308 - Ako ay Ilapit, Diyos sa Iyo

Ako ay ilapit, Diyos, sa Iyo!
Maging krus man kahit, babathin ko;
Kaya't inaawit, ilapit mo ako,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.

Katulad ko'y gala sa kadimlan,
Nang humiga'y bato ang inunan;
At ang napangarap sa Diyos ko'y ipisan,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.

Sa langit ang hagdan ay namalas,
Na dinaanan ng sugong tapat,
At aking sinabing sa Diyos ko'y ilagak,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.

Naidlip kong isip nang magising,
Ang aking hinagpis di na pansin,
Sa ningas ng nais sa Diyos ko'y mapiling;
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.

Araw, b'wan, at bitwi'y malilimot,
Kung sa langit dalhin ng t'wa't lugod,
At ang aawiti'y sa Diyos ay idulog,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.

0:00 0:00